Share

Arestado noon ika-21 ng Oktubre ang isang 45-anyos na Filipino office worker dahil sa ilegal na Pag-apply at pagtanggap ng mahigit 4.23 milyong yen na welfare benefits “Seikatsu hogo” kahit mayroon itong kita at may natatanggap na pera galing sa kanyang asawa sa Mitoyo City, Kagawa Prefecture.
Ayon sa pulisya, ang 45-anyos na babae ay pinaghihinalaang mapanlinlang na tumanggap ng 4,236,350 yen bilang welfare benefits na ipinadala sa kanyang account ng 46 na beses sa pagitan ng Abril 2021 at Disyembre ng nakaraang taon, sa kabila ng mayroon itong na pagtanggap ng allowance mula sa kanyang asawa.
Inamin umano ng babae ang paratang sa kanya
















Join the Conversation