Ang 2025 World Expo sa Osaka sa kanlurang Japan, ay nagdiwang ng Japan Day noong Huwebes, na may pagtatanghal na pinagsasama ang tradisyonal at kontemporaryong performing arts.
Dumalo sa kaganapan sina Crown Prince Akishino ng Japan, Punong Ministro Ishiba Shigeru at mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa.
Kasama sa programa sa entablado ang isang pagtatanghal ng gagaku, o musika ng korte ng Imperyo, at isang projection mapping ng manga na nagtatampok kay Myaku-Myaku, ang opisyal na karakter ng 2025 World Expo. Nagkaroon din ng isang pagtatanghal na pinagsasama ang kontemporaryong sayaw at manga.
Ang aktor na si Fujiwara Norika, na nagsisilbing honorary director ng Japan Pavilion, ay nagbasa ng isang mensahe tungkol sa pagpapanumbalik ng rehiyon mula sa isang malakas na lindol noong 1995. Natapos ang kaganapan sa isang live na pagtatanghal ng sikat na mang-aawit ng Hapon na si Misia, na kumanta ng tatlong kanta.
Kasunod ng seremonya, ang karakter ng Hello Kitty, isang sikat na maskot sa rehiyon na nagngangalang Kumamon at mga taong nakasuot ng kimono ay lumakad sa ilalim ng Grand Ring, isang malaking istraktura na itinayo bilang simbolo ng expo.
Join the Conversation