Kamakailan, parami nang parami ang mga Japanese na nagta-travel sa ibang bansa na nagdadala ng bigas pabalik ng Japan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.
Nananawagan ang mga opisyal ng plant quarantine sa mga tao na magkaroon ng kamalayan na kinakailangan ang mga sertipiko ng inspeksyon upang magdala ng dayuhang bigas sa Japan.
Sinabi ng ministeryo ng agrikultura na ang survey nito ay nagpapakita na ang average na presyo para sa isang 5-kilo na bag ng bigas ay 4,217 yen, o mga 30 dolyar, para sa linggo hanggang Abril 13. Mahigit doble ang presyo nito kumpara noong nakaraang taon.
Sinabi ng mga opisyal ng quarantine sa Narita Airport malapit sa Tokyo na ang pagtaas ng bilang ng mga manlalakbay na Hapon sa mga bansa sa Asya, tulad ng India at Thailand, ay nagsimulang magdala pabalik sa Japan ng bigas na binili nila sa ibang bansa noong tag-init noong nakaraang taon.
Sinabi nila na ang bilang ng mga naturang turista ay nagsimulang tumaas nang mabilis noong Marso ng taong ito.
Kamakailan lamang ay tumaas din ang bilang ng mga taong nagdadala ng bigas mula sa South Korea. Marami umano ang nagbabalik ng 5 kilo hanggang 10 kilo ng bigas.
Ngunit kapag nais ng mga indibidwal na mag-import ng makintab na bigas sa Japan, kailangan nilang kumuha ng mga sertipiko na inisyu ng mga organisasyon ng gobyerno ng mga bansang nag-export at ipa-inspeksyon ang bigas sa pagpasok.
Inaasahang maraming tao ang maglalakbay sa ibang bansa sa panahon ng bakasyon sa tagsibol, na magsisimula sa Abril 26. Hinihimok ng isang opisyal ng plant quarantine center sa Narita Airport ang mga taong naglalakbay sa ibang bansa na tiyaking makuha ang mga sertipiko kung balak nilang magdala ng bigas sa Japan.
Join the Conversation