Isang busy na paliparan sa Fukuoka City, timog-kanluran ng Japan, ang nakatakdang simulan ang operation ng pangalawang runway nito sa Huwebes upang maibsan ang pagiging busy ng runway.
Ang Fukuoka Airport ay ang pangatlo sa pinaka-busy na airport sa bansa noong piskal na 2023.
Ngunit ito ay tinawag na pinaka-congested sa Japan dahil sa nag-iisang runway nito.
Ang ministeryo ng transportasyon ng Japan ay gumastos ng higit sa isang bilyong dolyar upang itayo ang pangalawang runway.
Ang bagong runway ay matatagpuan malapit sa una, dahil ang paliparan ay malapit sa sentro ng lungsod.
Sa 2,500 metro ang haba, ito ay pangunahing gagamitin para sa mga internasyonal na pag-alis, dahil ang kalapitan ng dalawang runway ay nagpapahirap sa mga eroplano na lumapag at lumipad nang sabay.
Nangangahulugan ito na ang kapasidad sa paliparan ay inaasahang tataas lamang ng dalawang flight kada oras, hanggang 40.
Sinabi ng ministeryo na pag-aaralan nito ang mga uso sa demand at hihingin ang mga opinyon ng mga lokal upang magpasya kung dapat panghawakan ng paliparan ang mas maraming trapiko sa himpapawid. Sinasabi nito na posible ang 45 takeoff at landing kada oras.
Join the Conversation