Share
Ayon sa China, ipagpapatuloy nito ang pagpapahintulot sa visa free visits ng mga Japanese nationals sa mga short term travel.
Sinabi ng Foreign Ministry ng China noong Biyernes na ang kinakailangan para sa mga panandaliang visa ay waived mula Nobyembre 30 hanggang sa katapusan ng susunod na taon.
Sinuspinde ng pamahalaang China ang visa free arrangement noong Marso 2020 sa gitna ng coronavirus pandemic.
Dati, maraming mga Hapon ang mga nagso-short travel sa China nang visa free para sa turismo o negosyo.
Ang pamahalaan ng Japan ay humihiling sa China na ipagpatuloy ang mga waiver ng visa, bilang tugon sa mga tawag ng maraming mga kumpanya ng Japan.
Join the Conversation