Pilipinang suspect sa romance scam nag plead ng “not guilty”

Isang 67-anyos na babaeng factory worker mula sa Toyota City, Aichi Prefecture, Filipino national na inaresto at kinasuhan ng pagnanakaw at computer fraud dahil sa ``romance scam,'' kung saan nang huthot siya ng pera gamit ang social media. #PortalJapan see more⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPilipinang suspect sa romance scam nag plead ng

Isang 67-anyos na babaeng factory worker mula sa Toyota City, Aichi Prefecture, Filipino national na inaresto at kinasuhan ng pagnanakaw at computer fraud dahil sa “romance scam,” kung saan nang huthot siya ng pera gamit ang social media.

Sa unang paglilitis na ginanap noong ika-24 sa Fukushima District Court (Hukom Tamaki Shimada). Nag plead ang babae na siya ay inosente at ang kanyang depensa ay sinabi na naiintihan niya ang nangyaring sitwasyon ngunit hindi niya alam na ilegal pala ang kanyang ginawa.

Nagpanggap ang suspect sa social media gamit ang fake profile at fake identity at pangalang “Robert” na isang lalaking doctor na taga-Ukraine. nakipagkaibigan siya sa biktima, nakipag-chat at napahulog ang loob ng biktima. at doon na niya hiningan ng pera na ipadala sa kanya gamit ang account ng ibang tao.

Ang biktima ay nagpadala ng 500,000 yen sa account ng suspect. Matapos matanggap ng suspect ang pera, ipinadala niya sa ibang account na nasa ibang pangalan ang 450,000 yen at ang natirang pera ay tinaggo niya para sa kanyang sarili.

Ayon sa suspect napag utusan lamang siya na tumanggap ng pera sa kanyang account at i-transfer niya sa ibang account ng ibang tao at ang natira ay bilang bayad sa kanyang trabaho.

Ang babae ay kinasuhan noong ika-10 ng Setyembre para sa pandaraya sa computer, at ipinahiwatig ng mga tagausig na plano nilang magsampa ng karagdagang mga kaso sa katapusan ng Nobyembre. Ang susunod na pagdinig sa korte ay gaganapin sa ika-27 ng Nobyembre sa ika-10 ng umaga.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund