Nahuli na ng mga pulis ang pumatay sa kababayan nating na si Reynaldo Perez Tongo, kilala ng karamihan sa pangalang “Dave”, age 52 years old na natagpuang patay sa loob ng tirahan nyang mansion noong October 22.
Ang hinuli ng mga pulis today October 28, ay isang lalaki na si 外山哲平(Toyama Teppei), age 42 years old, walang work. Ang lalaking ito ay nakilala lamang din ng kababayan natin bago mangyari ang incident. Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang dalawa ay nagkakilala lamang sa isang omise bago sila pumunta sa isa pang inuman kung saan sila nagkaroon ng pagtatalo tungkol umano sa bayarin.
Sila ay nag-stay ng mahigit isang oras lamang at doon nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa bayarin. Ang inumang ito ay nasa 3rd floor ng isang building na mahigit 300 meter ang layo kung saan nakatira ang ating kababayan. Malamang na sinaktan ng lalaki ang biktima sa may hagdanan ng building bandang hatinggabi. Binugbog nya at sinipa sa ulo ang kababayan natin at ito ay nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo nya.
Nagawa pang makauwi ng kababayan natin matapos ang ginawang pananakit sa kanya, subalit namatay sya dahil sa natamong pinsala sa ulo. Inaamin naman ng hinuling lalaki ang ginawa nyang pananakit at paninipa sa mukha ng kababayan natin.
Join the Conversation