MAEBASHI — Isang babaeng Chinese ang inaresto noong Oktubre 1 ng Gunma Prefectural Police dahil sa hinalang may hawak ng 1,116 na pekeng luxury brand items kabilang ang Chanel at Louis Vuitton.
Ang 51-anyos na babaeng walang trabaho na naninirahan sa Tomioka, Gunma Prefecture, ay may hawak umano ng mga bagay kabilang ang mga hikaw na kawangis ng apat na sikat na fashion house noong umaga ng Agosto 22, at pinaghihinalaang may balak na ibenta o ipamahagi ang mga ito sa iba. Itininanggi ng suspek ang alegasyon laban sa kanya at nag-sabu na, “Hindi ko akalain na peke sila, at hindi ko intensyon na ibenta lahat.”
Ayon sa pulisya, sa isang cyber patrol ng isang flea market site noong Hunyo, nakakita sila ng isang pares ng hikaw na may logo na katulad ng Chanel, na ipinakilala bilang “imported from overseas.” Matapos ang pagtatasa ng mga bagay, napag-alamang peke ang mga ito, at sa pagsisiyasat sa mga kliyente at bank account ay napag-alamang suspek ang babae.
Naniniwala ang mga imbestigador na ang babae ay nakakuha ng 20 milyong yen (mga $139,000) o higit pa sa pamamagitan ng hindi bababa sa 2,800 na mga transaksyon sa isang taon mula noong Agosto 2023. Iniimbestigahan ng pulisya ang pinagmulan ng pekeng paninda at kung mayroong anumang mga kasabwat.
(Orihinal na Japanese ni Sakae Kato, Maebashi Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation