Inulan ng batikos ang isang nursery school sa Fukuoka City, kanlurang Japan ang ihiwalay ang isang sanggol sa paglagay sa kanya sa isang card board box matapos malamang may sakit ito na foot and mouth disease.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, ang sanggol na wala pang isang taon noon ay pansamantalang iniwan sa isang karton na box sa nursery school office noong Hulyo.
Lumabas ang insidente sa inspeksyon na isinagawa ng lungsod noong huling bahagi ng nakaraang buwan, batay sa impormasyon mula sa labas ng paaralan.
Ipinaliwanag umano ng mga opisyal ng paaralan na lumala ang rashes ng sanggol na pinaniniwalaang sintomas ng sakit na foot and mouth disease, kaya nais nilang maiwasang mahawa ang ibang bata at mga staff.
Ang sakit na foot and mouth disease ay hindi required mag absent sa paaralan.
Ang lungsod ay nagbabala sa paaralan ng nursery at hiniling ang pagpapabuti sa mga kasanayan ng mga staff nito. Isasaalang alang nito ang mga karagdagang hakbang tulad ng pag isyu ng nakasulat na patnubay kung kinakailangan.
Sinabi ng nursery school sa NHK na pumutok ang mga paltos sa buong katawan ng sanggol, at nagpanic ang mga staff. Sabi maaari naman sana na naging iba ang naging tugon nito, tulad ng pagbalot sa sanggol ng tuwalya.
Nagsaad ang paaralan na susundin ang gabay ng lungsod at itrato ng ligtas at maayos na alagaan ang mga bata.
Join the Conversation