Pinoy sa Gifu arestado sa paghagis ng bato sa isang truck na dumadaan

Noong ika-30, inaresto ng Gifu Prefectural Police Kitagata Police Station ang isang lalaking walang trabaho (25), Filipino national mula sa Noda Nitta, Mizuho City, dahil sa hinalang damage to property nang hagisan ng bato ang dumadaang truck. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinoy sa Gifu arestado sa paghagis ng bato sa isang truck na dumadaan

Noong ika-30, inaresto ng Gifu Prefectural Police Kitagata Police Station ang isang lalaking walang trabaho (25), Filipino national mula sa Noda Nitta, Mizuho City, dahil sa hinalang damage to property nang hagisan ng bato ang dumadaang truck.

Nadakip ang suspek bandang alas-5:15 ng umaga noong Mayo 23 sa National Route 21 sa Nodashinden, Mizuho City, nang hagisan nito ng bato ang isang truck na minamaneho ng isang lalaking office worker (62) mula sa Gifu City, at nayupi ang front panel ng tuck.

Ayon sa pulisya, may isang lalaki n tumawag sa 911 at sinabing, “Nagmamaneho ako ng aking truck nang may narinig akong bumangga.” Hindi sigurado kung ano ang tumama sa truck niya.

May isang katulad na insidente din na naganap sa malapit na lugar noong ika-29 ng Hunyo, nang tumawag ang biktima sa 110 at sinabing, “Isang Asian na foreigner ang naghagis ng bato sa aking sasakyan.”

Hinala ng mga pulisya na iisang tao lang ang may kagagawan sa dalawang magkahiwalay na insidente.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund