Babae, namatay matapos mabundol ng 3 sasakyan nang magkasunod sa Mie expressway

Isang babae na bumaba sa kanyang sasakyan matapos ang isang aksidente sa Ise Expressway sa Matsusaka City, Mie Prefecture, ay nasagasaan ng tatlong magkakasunod na sasakyan at namatay noong Linggo. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBabae, namatay matapos mabundol ng 3 sasakyan nang magkasunod sa Mie expressway

MIE
Isang babae na bumaba sa kanyang sasakyan matapos ang isang aksidente sa Ise Expressway sa Matsusaka City, Mie Prefecture, ay nasagasaan ng tatlong magkakasunod na sasakyan at namatay noong Linggo.

Nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi, iniulat ng TV Asahi. Sinabi ng pulisya na ang kotseng minamaneho ng babae, na nasa edad 40 o 50, ay tumama sa isang crash cushion drum at tumagilid malapit sa Ichishi Ureshino Interchange.

Bumaba ang babae sa kotse, lumakad sa median strip, at nabundol ng kotse. Dahil sa impact ay natumba siya sa kabilang linya kung saan nabangga siya ng dalawang magkasunod na sasakyan.

Ang babae ay nagtamo ng matinding pinsala sa buong katawan at idineklarang patay sa pinangyarihan, sabi ng pulisya.

Hindi naman nasaktan ang mga driver ng tatlong sasakyang nasangkot sa banggaan.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund