Nursery school teacher arestado sa pananakit sa bata

Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang isang 26-anyos na babae na nagtatrabaho bilang isang nursery school teacher dahil sa pananakit matapos niyang hilahin ang buhok ng isang batang lalaki. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNursery school teacher arestado sa pananakit sa bata

TOKYO
Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang isang 26-anyos na babae na nagtatrabaho bilang isang nursery school teacher dahil sa pananakit matapos niyang hilahin ang buhok ng isang batang lalaki.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa oras ng nap time sa nursery school sa Setagaya Ward noong Mayo 7. Iniulat ng Kyodo News na si Seira Sakuma ay inakusahan ng paghila sa buhok ng bata nang napakalakas kaya napatuko ito paatras. Pagkatapos ay marahas niyang hinila ang kamay nito para pilitin itong tumayo. Si Sakuma ay pinaghihinalaang din na sinipa ang bata noong Mayo 9.

Ang batang lalaki, na hindi pa ipinahayag ang edad, ay nag-sumbong ng mga insidente sa kanyang mga magulang, na nagtulak sa mga staff na suriin ang footage ng security camera sa nursery school.

Sinabi ng pulisya na si Sakuma, na naaresto noong Lunes, ay umamin sa paratang at nagsasabing siya ay “naiirita” noong panahong iyon.

Sinabi ng pulisya na sinusuri nila ang footage ng security camera upang makita kung inabuso din ni Sakuma ang ibang mga bata.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund