Libu-libo ang sumilong matapos pumutok ang bulkan sa gitnang isla ng Pilipinas

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sumabog ang Bulkang Kanlaon noong Lunes. Ang pagsabog ay tumagal ng anim na minuto at nagbunga ng 5 kilometrong taas ng abo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLibu-libo ang sumilong matapos pumutok ang bulkan sa gitnang isla ng Pilipinas

Halos 2,000 residente ng Negros Island sa Pilipinas ang sumilong matapos ang pagsabog ng bulkan nitong nakaraang linggo. Ang pag-agos ng putik na dulot ng malakas na pag-ulan ay binabantayan sa mga kalapit na lugar.

Wala pang naiulat na nasawi o nasugatan sa ngayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sumabog ang Bulkang Kanlaon noong Lunes. Ang pagsabog ay tumagal ng anim na minuto at nagbunga ng 5 kilometrong taas ng abo.

Itinaas ng mga awtoridad ang alert level sa dalawa, na nagpapahiwatig ng posibleng karagdagang pagsabog. Ilang komunidad malapit sa bulkan ang nagdeklara ng state of calamity matapos tamaan ng ash fall.

Ang Kanlaon ay nakapagtala ng 43 na pagsabog mula noong 1866. Ang nauna ay naganap noong 2017.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund