Sinisikap ng gobyerno ng Japan na maunahan ang posibleng shortage ng butter ngayong summer. Sinabi ng ministeryo ng agrikultura na plano nitong dagdagan ang quota sa pag-import ng mantikilya para sa taong ito ng 40 porsyento.
Ang gobyerno ay nag-aangkat ng ilang mga produkto ng pagawaan ng gatas, kabilang ang mantikilya at skim milk, batay sa mga quota upang matiyak ang matatag na suplay. Itataas ng ministeryo ang quota para sa mantikilya mula 10,000 tonelada hanggang 14,000.
Sinabi ng mga opisyal na ang mga stock sa katapusan ng Marso ay bumaba mula noong nakaraang taon dahil sa heat wave noong nakaraang tag-init. Samantala, tumataas ang demand mula sa mga confectioner. Nangangamba ang gobyerno na maaaring magkaroon ng mas matinding init ngayong tag-init na magpapalala sa sitwasyon.
Ang pag-bid para sa karagdagang quota ay gaganapin mula Hulyo o mas bago.
Join the Conversation