22 katao ang nasawi dahil sa sunog sa isang planta ng paggawa ng baterya malapit sa kabisera ng South Korea na Seoul noong Lunes.
Sinabi ng mga bumbero sa South Korea na nagsimula ang sunog sa pabrika sa Hwaseong sa Gyeonggi Province bandang 10:30 a.m. Sinasabi nilang 22 katao ang kumpirmadong patay noong bandang 6:30 p.m.
Dalawa sa mga biktima ay South Korean, 18 ay Chinese national at isa ay mula sa Laos.
Ayon sa mga bumbero, ang tatlong palapag na pabrika ay may lawak na humigit-kumulang 2,300 metro kuwadrado at gumagawa ng mga lithium batteries.
Sinipi nila ang mga saksi na nagsasabi na ang mga baterya ay sumabog at sinisiyasat ang koneksyon sa sunog.
Sinabi ni Pangulong Yoon Suk-yeol sa mga kaugnay na ministro ng Gabinete at mga opisyal ng kagawaran ng bumbero na gawin ang lahat ng posible upang iligtas ang mga buhay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation