Isang Pinay na esthetician na walang medikal na kwalipikasyon ang inaresto dahil sa pag operate ng esthetic treatment sa kanyang bahay katulad ng pag inject sa customer ng pampaputi na walang lisensya.
Ang suspek na naaresto ay si Takahashi Eloisa Espelita (44), isang Filipino esthetician.
Si Takahashi ay pinaghihinalaang nag-inject ng likido sa likod ng mga kamay at braso ng dalawang customer sa beauty salon ng kanyang tahanan at iba pang mga lokasyon sa nakalipas na tatlong taon, kahit na hindi siya kwalipikado bilang isang doktor.
Ayon sa pulisya, lumilitaw na nag-aalok si Takahashi ng mga injection sa halagang 10,000 hanggang 15,000 yen bawat sesyon, na sinasabing isang “whitening treatment.” Iniulat ng mga customer na namamaga ang kanilang mga braso, at ang treatment ay hindi maayos,” sabi niya.
Iniimbestigahan ng pulisya ang mga sangkap ng itinurok na likido at iniimbestigahan din ang mga posibleng karagdagang kaso.
Join the Conversation