Inaresto ng Shibuya Police Station ng Tokyo Metropolitan Police Department si Garrard John David (22), isang Filipino national at tubero mula sa Kimizuka, Ichihara City, Chiba Prefecture, dahil sa hinalang pananakit sa isang lalaki na nagdulot ng kamatayan sa kalye sa Shibuya Ward, Tokyo. Ang isa pa niyang kasama na inaresto din ay si Kei Okuma (22), walang trabaho, Satsukigaoka, Hanamigawa Ward, Chiba City. Parehong inamin nila ang paratang sakanila.
Ang suspek ay inaresto pagkaraan ng 5 a.m. noong Oktubre 27, 2021, sa kalye sa Dogenzaka, Shibuya Ward, matapos makipagtalo kay Shoichi Takeuchi, noon ay 41 taong gulang, walang trabaho at residente ng Toyotamakita, Nerima Ward, at sinuntok siya sa ang mukha at ulo, sinipa-sipa din umano ang biktima at naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ayon sa Shibuya Police Station, parehong hindi magkakilala ang mga suspek at ang biktima na si Takeuchi. Isang lalaking nakasaksi sa insidente ang tumawag sa 110 at ang mga pulis ay sumugod sa pinangyarihan, ngunit tumanggi si Takeuchi na dalhin sa ospital. Pagkatapos nito, lumala ang kanyang kondisyon at namatay siya noong ika-20 ng Nobyembre.
Ang dalawang suspect ay nakilala mula sa kuha ng security camera sa pinangyarihan. Sinabi ng suspek na si David, “Naka-inom na ako, kaya ginawa ko ito sa sobrang galit,” at sinabi naman ni Okuma, “naka-inomn na ako at uminit ang ulo ko kaya nagawa ko yon.” .
Join the Conversation