TOKYO (Kyodo) — Ang Japanese comedian at TV personality na si Hitoshi Matsumoto, na kamakailan ay nahaharap sa isang ulat ng magazine tungkol sa reklamong sexual harrasment, ay magpapatuloy sa kanyang hiatus o pagtigil pansamantala sa showbiz, sinabi ng kanyang managing company noong Lunes, na binibigyang-diin ang kanyang intensyon na “pagtuunan ang kinahaharap na pagsubok.”
Nauna nang itinanggi ng Yoshimoto Kogyo Holdings Co. ang isang ulat noong Disyembre ng Shukan Bushun na lingguhang magazine na pinilit ni Matsumoto, 60, ang ilang kababaihan sa mga sekswal na aktibidad noong 2015, na sinasabing sinira ng artikulo ang kanyang reputasyon.
“Gusto kong magpahinga dahil hindi ko maialay ang sarili ko sa komedya gaya ng ginagawa ko habang sabay-sabay na may mga pagsubok na dumadating,” sabi ni Matsumoto, kalahati ng sikat na comedy duo na “Downtown,” ayon sa entertainment agency .
Si Matsumoto ay isang ambassador para sa 2025 World Exposition sa Osaka.
Join the Conversation