Dumating na ang mga gamot na inilagay sa isang drone sa isang lugar kung saan nasira ang mga kalsada ng malakas na lindol na tumama sa gitnang Noto Peninsula ng Japan noong Bagong Taon.
Ang isang asosasyon ng mga kumpanyang may kaugnayan sa drone ay tumutulong sa gawaing pagsagip at paghahatid ng mga relief supply gamit ang mga drone sa kahilingan ng Lungsod ng Wajima, Ishikawa Prefecture.
Sa distrito ng Konosu ng lungsod, mahigit 700 katao ang naiwang nakahiwalay dahil sa mga naputol na kalsada.
Noong Lunes, isa sa mga drone ng Japan UAS Industrial Development Association ang nagpalipad ng mga gamot mula sa sentro ng lungsod patungo sa distrito para sa tatlong taong may malalang sakit.
Nakagawa ito ng 3 kilometrong paglipad sa loob ng 10 minuto at lumapag sa bakuran ng elementarya na ginagawang evacuation center, kung saan tinutuluyan ng tatlong residente.
Sinabi ng JUIDA na plano nitong ipagpatuloy ang paghahatid ng mga pangangailangan sa mga lugar na apektado ng kalamidad gamit ang mga drone.
Join the Conversation