Share
Nagsimula na ang pag-iilaw ng taglamig sa Imperial Palace sa Tokyo.
Idinaos ng Imperial Household Agency ang kaganapan sa oras na ito ng taon mula noong 2012 para ma-enjoy ng mga tao ang night view ng lugar.
Binuksan ang mga ilaw noong Sabado ng alas-5 ng hapon, sa Otemon Gate, ang Tatsumi-yagura turret at iba pang mga lokasyon.
Isang babae na nasa edad 60 ang nagsabing nakakatuwang makita ang Nijubashi Bridge na nagliliwanag at naaninag sa moat, at sulit na sulit ang pagbisita.
Sinabi ng isang babae na nasa edad 50 na ang mga ilaw ay hindi masyadong maliwanag, at ito ay naaayon sa lugar.
Ang pag-iilaw ay mag-tatagal hanggang Enero 7, sa pagitan ng 5 p.m. at 9 p.m.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation