Inaresto ng Aichi Prefectural Police, sa pakikipagtulungan ng local immigration bureau, ang isang suspek sa isang imitation marriage na tumakas at nagtago sa Pilipinas ng walong taon.
Itinanggi niya ang mga paratang laban sa kanya.
Ang inaresto ay si Motono Amano (50), ang dating manager ng isang Philippine pub na matatagpuan sa Sakae, Naka-ku, Nagoya.
Ayon sa pulisya, 10 taon na ang nakalilipas noong 2013, nagsumite si Amano ng rehistrasyon ng kasal para sa isang babaeng Pinoy at isang Japanese na lalaki, na walang balak na magsama bilang mag asawa, at pinagawa sila ng huwad na rehistro ng pamilya gamit ang electromagnetic notarized na dokumento. May mga hinala na ang orihinal na dokumento ay may mga pekeng impormasyon na naitala.
Si Amano ay pinaniniwalaan na may isang babaeng Pilipino na pumasok sa isang pekeng kasal sa isang Japanese na lalaki upang makakuha siya ng visa para magtrabaho sa kanyang omise.
Umalis si Amano sa Japan noong 2015 at tumakas sa Pilipinas sa loob ng walong taon, ngunit inaresto ng Aichi Prefectural Police sa pakikipagtulungan ng lokal na tanggapan ng imigrasyon at iba pang awtoridad.
Nang tanungin ng pulisya, itinanggi niya ang mga paratang, sinabi niya na “Wala akong alam.”
Join the Conversation