Share
Noong ika-30 ng Oktubre, inaresto ng Kagoshima Prefectural Police Kanoya Police Station ang isang 34-taong-gulang na Filipina mula sa Honmachi, Kanoya City, na nagta-trabaho sa isang restaurant bar, sa hinalang paglabag sa Immigration Control and Refugee Act (illegal overstaying).
Inaresto ang suspek dahil sa hinalang hindi nag-renew ng kanyang period of stay at ilegal na overstaying sa kanyang visa. Ayon sa himpilan ng pulisya, nakatanggap ng tawag at may nag report noong araw ding iyon na may isang babae na hinihinalang ilegal na nananatili sa Japan. Pumasok siya sa bansa bilng temporary stay visa, at ang kanyang visa validity ay hanggang Marso 9, 2019.
Join the Conversation