Pinag-pasiyahan ng mga Labor Authorities na ang pagpapaka-matay ng binata sa Japan na dulot ng pambu-bully sa trabaho

Sa kanyang tala ng pagpapakamatay, isinulat ng lalaki, "Tinawag akong inutil, incompetent at basura sa trabaho."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinag-pasiyahan ng mga Labor Authorities na ang pagpapaka-matay ng binata sa Japan na dulot ng pambu-bully sa trabaho

NAGOYA — Pinatunayan ng isang labor standards office sa gitnang Japan na ang pagpapakamatay ng isang binata na nagtrabaho sa isang high-pressure gas manufacturing and sales company ay sanhi ng pambu-bully sa lugar ng trabaho, ibinunyag ng naulilang pamilya noong Okt. 31.

Ayon sa isang abogado na kumakatawan sa kanyang pamilya, ang lalaki ay sumali sa Tokyo-based Suzuki Shokan Co. noong Abril 2019. Siya ay nakatalaga sa isang opisina sa Toyota, Aichi Prefecture, ngunit na-diagnose na may depresyon noong Nobyembre at nag-leave of absence.

Pagkatapos bumalik sa trabaho, inilipat siya sa opisina ng kumpanya sa Yokkaichi, Mie Prefecture, ngunit binawian ng buhay noong Enero 2021 sa edad na 21. Sa kanyang tala ng pagpapakamatay, isinulat ng lalaki, “Tinawag akong inutil, incompetent at basura sa trabaho.”

Kinilala ng Yokkaichi Labor Standards Inspection Office ang kanyang pagkamatay bilang may kaugnayan sa trabaho noong Abril 7 ngayong taon. Natukoy ng labor office na ang kanyang pagpapatiwakal ay malamang na sanhi ng pag-ulit ng depresyon dahil sa mental strain ng pagkakatalaga sa field supervisory duties na wala siyang karanasan, pati na rin ang pasalitang pang-aabuso mula sa mga kasamahan na nagpawalang-bisa sa kanyang pagkatao.

Sa isang press conference noong Oktubre 31, sinabi ng kanyang mga magulang na gusto nilang kilalanin ng Suzuki Shokan ang mga katotohanan at humingi ng tawad sa kanilang anak. Sa hinaharap, isasaalang-alang nila ang paghahain ng claim sa pinsala laban sa kumpanya.

Naglabas ng komento ang Suzuki Shokan na nagsasabing, “Hindi namin tinatanggap ang konklusyon na ito ay isang insidente na may kaugnayan sa trabaho, ngunit ipinagdarasal namin na ang kanyang kaluluwa ay mapayapa.”

(Orihinal na Japanese ni Richi Tanaka, Nagoya News Center)

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund