Sa madaling-araw ng ika-4 ng Nobyembre, isang 36-taong-gulang na babaeng Pilipino ang natagpuang nakahandusay sa isang intersection sa Nagoya City at kalaunan ay namatay ito sa ospital.
Batay sa mga pangyayari, naniniwala ang pulisya na ang babae na naka bisikleta ay nabangga ng isang kotse at siya ay biktima ng hit-and-run incident.
Bandang 12:30 a.m. noong ika-4, isang taong dumaan sa intersection ng Shimizu Station West sa Kita Ward, Nagoya City ang nakakita sa biktima at nag-report sa pulisya.
Nang sumugod ang mga pulis sa lugar, nadatnan nilang nakahandusay sa pinangyarihan si Shimada Mia Ann Palo (36), isang Filipino national mula sa Showa Ward, Nagoya City.
Dinala si Shimada sa ospital, ngunit namatay pagkaraan ng dalawang oras dahil sa internal injuries.
Naiwan sa pinangyarihan ang bisikleta na pinaniniwalaang sinasakyan ni Shimada, at may mga ulat ng nakasaksi na may isang itim na sedan na tumakas.
Ang site ay malapit sa Shimizu Station sa Meitetsu Seto Line, sa intersection kung saan nagsalubong ang national highway at city road sa ilalim ng nakataas na Nagoya Expressway Kusunoki Line.
Kalaunan ay nahuli din ang suspect.
Ang suspek ay si Taku Inayama (34), empleyado ng kumpanya mula sa Toyoyama Town, Aichi Prefecture, ay naaresto bandang alas-12:45
Siya ay nagmamaneho nang walang lisensya. Ayon sa kany ay natakot siya dahil wala siyang driver’s license kaya’t siya ay tumakas .
Join the Conversation