SAPPORO- Isang 24-anyos na pulis ang inaresto dahil sa hinalang pananakit sa isang babae na kasama sa grupong umiinom ng alak kasama niya sa Sapporo noong Sabado.
Ayon sa Hokkaido prefectural police, si Toru Shibuya, isang sarhento sa departamento ng pulisya ng Otaru, at ang 22-taong-gulang na babae ay hindi pa magkakilala, iniulat ng Kyodo News noong Lunes.
Sinabi ng pulisya na nakikipag-inuman si Shibuya kasama ang babae at ilang kakilala sa Sapporo mula bandang alas-10 ng gabi nuong Sabado hanggang Linggo ng umaga. Sinundan umano siya nito nang uuwi na sana ito sa pagitan ng 10:30 a.m. at 11 a.m. sa Chuo Ward noong Linggo. Hinawakan niya ang hood ng jacket niya at itinulak siya sa pader.
Agad namang tumawag ng pulis ang babae na hindi naman malubhang nasugatan. Sinabi ng pulisya na si Shibuya ay lasing nang makulong na hindi man lang nila nagawang tanungin noong Linggo.
Sinabi ni Koji Kasai, Direktor ng Opisina ng Inspektor Heneral ng Hokkaido Prefectural Police, sa isang pahayag: “Hindi ito mapapatawad, at lubos kaming humihingi ng paumanhin sa biktima at sa mga kasangkot.”
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation