Share
TOKYO- Inaresto ng pulisya sa Funabashi, Chiba Prefecture, ang isang 47-taong-gulang na Intsik na hinala ng tangkang pagpatay matapos nitong laslasin ang isang 22-taong-gulang na empleyado ng convenience store na part-time.
Nangyari ang insidente dakong alas-3:20 ng umaga noong Linggo, iniulat ng Kyodo News. Ayon sa ulat ng pulisya, nakipagtalo ang suspek sa empleyado dahil sa customer service habang bumibili ng item sa tindahan.
Pagkalabas ng tindahan, pumunta ang lalaki sa kanyang kalapit na bahay. Bumalik siya at nilaslas ng kutsilyo ang empleyado. Ang isa pang empleyado ay agad na nakipag-ugnayan sa pulisya.
Nagtamo ng mga sugat sa mukha at leeg ang biktima, sabi ng pulisya.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation