Noong ika-4 ng Setyembre, idinaos ng Matsue District Court ang unang paglilitis sa isang Pilipinong lalaki na inakusahan ng animal cruelty sa paulit-ulit na pagsipa sa isang baka na kanyang inaalagaan sa isang sakahan sa Ota City, Shimane Prefecture, kung saan siya nagtatrabaho.
Lubos na nagsisi ang lalaki at humingi ng kapatawaran na nagsasabing, “lubos akong humihingi ng paumanhin sa lahat” habang naka luhod sa harap ng judge.
Inakusahan ng paglabag sa Animal Welfare Act ang isang 26-anyos na lalaking Filipino na walang fixed address at trabaho.
Ayon sa sakdal, sinipa ng akusado ang dalawang baka sa bahagi ng ilong at leeg sa bukid na kanyang pinagtatrabahuan noon sa pagitan ng alas-5:16 ng hapon hanggang alas-5:19 ng hapon noong Hunyo 3, 2019.
Tungkol sa pangyayaring ito, ang nasasakdal mismo ang kumuha ng video ng pagsipa ng isang baka at ipinost ito sa social media, na umani ng batikos, at ang pulis ay nagpatuloy sa imbestigasyon, at ang pulis ay nagpadala ng mga warrant sa nasasakdal noong Hulyo.
Bago ito, sinibak din sa pwesto ng farm ang nasasakdal noong ika-29 ng Hunyo.
Sa unang paglilitis na ginanap sa Matsue District Court noong ika-4, tinanong siya ng judge kung ano ang kanyang depensa at ang sagot ng suspect: Wala, dahil kasalanan naman daw niya ito.
Join the Conversation