Hinihimok ng southern prefecture ng Okinawa ng Japan ang mga turista na allergic sa mani na iwasan ang “jimami” tofu, isang lokal na specialty na mukhang soybean curd ngunit karamihan ay gawa sa mani.
Sinabi ng mga lokal na opisyal na maraming turista ang dinala sa ospital sa nakalipas na ilang buwan matapos kumain ng jimami tofu.
Noong nakaraang Biyernes, naglabas ng babala ang prefectural government sa pamamagitan ng Okinawa Convention and Visitors Bureau na ang “jimami” ay tumutukoy sa “peanuts” sa Okinawan dialect at ang tofu ay maaaring magdulot ng allergic reactions.
Hinihimok din nito ang mga eating establishments na tiyaking naiintindihan ng mga customer na ang tofu ay gawa sa mani.
Sinabi ni Miyagi Yoshitsune, isang doktor sa Nakagami Hospital sa Okinawa City, na mas maraming tao sa Okinawa ang dumaranas ng malubhang allergy sa mani kumpara sa ibang mga prefecture.
Sinabi ni Dr. Miyagi na ang ilang mga pasyente ay may problema sa paghinga at ang kanilang presyon ng dugo ay bumaba, na maaaring magdulot ng panganib sa buhay.
Hinihimok niya ang mga kainan na maging maingat sa paghahatid ng pagkain, at ang mga taong may allergy at kanilang mga pamilya ay dapat magkaroon ng kamalayan sa mga panganib.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation