Gumagamit na ngayon ng artificial intelligence ang National Police Agency ng Japan sa mga cyber patrol nito upang tuklasin ang online na impormasyon na maaaring humantong sa mga krimen.
Dati, isang pribadong kumpanya ng IT na kinomisyon ng ahensya ang naghanap sa mga post sa social media at mga online na site. Upang magsagawa ng mga paghahanap, gumamit ang kompanya ng mga keyword na maaaring humantong sa mga krimen, partikular ang mga may kinalaman sa mga baril at pampasabog.
Awtomatikong ibinubukod ng bagong AI system ang kahina-hinalang content mula sa hindi mabilang na piraso ng online na impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salita at konteksto ng mga ito. Sinimulan itong gamitin ng ahensya noong Biyernes.
Nagkaroon ng serye ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga baril at mga pampasabog na nagawa ng mga salarin sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyong naka-post sa Internet.
Ang mga pagnanakaw at mapanlinlang na aktibidad na ginawa ng mga taong na-recruit sa pamamagitan ng mga online na post ay naiulat din.
Sinabi ng National Police Agency na umaasa itong mapipigilan ng AI system ang mga krimen. Sinasabi nito na gagawing mas mahusay ng system ang mga cyber patrol nito at magbibigay-daan ito sa maagang pagtuklas ng mapaminsalang impormasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation