Nagsampa ng reklamo ang organizer ng kaganapan sa Osaka dahil sa sexual harassment laban sa S.Korean DJ

Nag-viral ang post ni DJ Soda. Pinuna ng ilang online na mensahe ang paraan ng pananamit niya. Inilarawan ng South Korean media ang mga komento bilang pangalawang pinsala sa biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNagsampa ng reklamo ang organizer ng kaganapan sa Osaka dahil sa sexual harassment laban sa S.Korean DJ

Isang event organizer sa western Japan ang nagsampa ng criminal complaint sa pulisya dahil sa umano’y sexual harassment laban sa isang South Korean DJ sa isang music festival.

Sinabi ng kumpanya sa Osaka Prefecture na nagsampa ito ng reklamo noong Lunes laban sa tatlong lalaki at babae na miyembro ng audience dahil sa hinala ng kalaswaan nang walang pahintulot at pag-atake. Hindi nakilala ang tatlo.

Sinabi ni DJ Soda na ilang tao ang humipo sa kanyang mga suso sa kaganapan sa Osaka noong Agosto 13. Sumulat siya sa social media na labis siyang nabigla at natakot na nanginginig ang kanyang mga kamay.

Plano ng mga imbestigador na pag-aralan ang mga larawang kinunan sa panahon ng pagdiriwang.

Nag-viral ang post ni DJ Soda. Pinuna ng ilang online na mensahe ang paraan ng pananamit niya. Inilarawan ng South Korean media ang mga komento bilang pangalawang pinsala sa biktima.

Source nad Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund