Kumikilos ang napakalakas na bagyong Khanun sa hilagang-kanluran sa ibabaw ng tubig sa hilaga ng Miyakojima Island sa southern Japanese prefecture ng Okinawa.
Ang bagyo ay inaasahang tutungo sa silangan sa ibabaw ng East China Sea noong Biyernes. Ang matagal na epekto nito ay maaaring maramdaman sa rehiyon ng Okinawa at sa rehiyon ng Amami sa Kagoshima Prefecture.
Sa 6 a.m. noong Huwebes, ang bagyo ay may gitnang atmospheric pressure na 935 hectopascals. Taglay nito ang hanging aabot sa 162 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito, at pagbugsong 234 kilometro bawat oras.
Ang mga opisyal ng panahon ay nagbabala tungkol sa pagbugso, mataas na alon, storm surge, mudslide, pati na rin ang pagbaha at swollen rivers.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation