Isang replika ng isang kahoy na barko na nagdala ng mga emisaryo sa Japan ilang siglo na ang nakalilipas ay tumulak mula sa South Korea sa isang reenactment ng mga makasaysayang paglalakbay na iyon.
Ang barko na may lulan ng humigit-kumulang 10 katao ay umalis sa Busan noong Martes para sa Tsushima Island ng Nagasaki Prefecture upang makibahagi sa isang festival sa darating na katapusan ng linggo. Ang Tsushima ay matatagpuan sa pagitan ng Kyushu, isa sa mga pangunahing isla ng Japan, at ng Korean Peninsula.
Ang replica ay itinayo noong 2018 ng National Research Institute of Maritime Cultural Heritage ng South Korea.
Ang barko ay nakatakdang bumisita sa Tsushima, ngunit ang plano ay nasuspinde dahil ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay pansamantalang naputol at hakbang bilang tugon sa coronavirus pandemic.
Ang mga sugo na kumakatawan sa Korean dynasty noong panahong iyon ay bumisita sa 12 okasyon noong panahon ng Edo ng Japan, na tumagal mula ika-17 hanggang ika-19 na siglo.
Tinawag ni Hong Soon-jae sa South Korean institute na makasaysayan ang pagbisita. Excited na raw siyang magbunga ang kanilang pagsisikap.
Inilalarawan ng South Korean media ang paglalakbay bilang ang una sa uri nito sa loob ng 212 taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation