Isang malaki at malakas na bagyo ang inaasahang lalapit sa timog-kanlurang rehiyon ng Okinawa at Amami ng Japan mula Lunes hanggang Martes.
Sinabi ng Meteorological Agency na ang Bagyong Khanun ay gumagalaw sa dagat sa timog ng Japan at patungo sa hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras noong 7 a.m. noong Lunes.
Ang bagyo ay may gitnang atmospheric pressure na 960 hectopascals, na may hanging aabot sa 144 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at pagbugsong aabot sa 198 kilometro bawat oras.
Sinabi ng mga opisyal ng panahon na ang bagyo ay malamang na patuloy na kikilos pahilaga habang umuunlad, unti-unting babaguhin ang landas nito pakanluran, at lalapit sa mga rehiyon ng Okinawa at Amami hanggang Martes.
Ang hanging aabot sa 90 kilometro bawat oras ay inaasahan sa Okinawa, at hanggang 72 kilometro bawat oras sa Amami sa Lunes.
Sinabi ng mga opisyal na lalakas pa ang hangin sa Martes. Malamang na ang Okinawa ay magkakaroon ng hanging aabot sa 144 kilometro bawat oras at ang Amami ay hanggang 100 kilometro bawat oras.
Tinataya ng mga opisyal na hanggang 100 millimeters ng ulan ang inaasahan sa loob ng 24 na oras hanggang Martes ng umaga sa Okinawa at hanggang 150 millimeters sa Amami.
Binabalaan ng mga opisyal ang mga residente ng marahas na hangin at mataas na alon, gayundin ang mga pagguho ng lupa, pagbaha sa mga mabababang lugar, namamagang ilog, at pagtaas ng tubig.
Join the Conversation