25 taon na ang naka-lipas mula noong nangyari ang curry poisoning sa isang summer festival sa kanlurang Japan

Apat na tao, kabilang ang isang estudyante sa elementarya, ang namatay at 63 iba pa ang nagkaroon ng sintomas ng pagkalason matapos kumain ng curry na inihain sa isang community festival sa Wakayama City noong Hulyo 25, 1998.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp25 taon na ang naka-lipas mula noong nangyari ang curry poisoning sa isang summer festival sa kanlurang Japan

Dalawampu’t limang taon na ang lumipas mula noong nakamamatay na pagkalason ng arsenic sa isang summer festival sa kanlurang Japan.

Apat na tao, kabilang ang isang estudyante sa elementarya, ang namatay at 63 iba pa ang nagkaroon ng sintomas ng pagkalason matapos kumain ng curry na inihain sa isang community festival sa Wakayama City noong Hulyo 25, 1998.

Hinatulan ng kamatayan si Hayashi Masumi dahil sa paglalagay ng arsenic sa curry. Pinananatili niya ang kanyang pagiging inosente. Ang kanyang pangalawang kahilingan para sa muling paglilitis ay tinanggihan noong Enero at agad siyang umapela sa Osaka High Court.

Isang taunang serbisyo sa pag-alaala ang inayos simula noong 1999 ngunit hindi ito ginanap sa nakalipas na 13 taon matapos sabihin ng ilang pamilya na gusto nilang alalahanin ang araw nang pribado.

Ang deputy leader ng isang grupo ng mga biktima na si Sugitani Yasuki ay bumisita sa lugar ng insidente noong Martes at naglatag ng bulaklak para sa mga biktima. Ang kanyang anak na babae, na nasa high school noon, ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang insidente ngunit nakaligtas.

Sinabi ni Sugitani na parang kamakailan lang nangyari ang insidente. Aniya, mahirap para sa mga biktima, at tiyak na nagdusa sila mula nang maganap ang insidente sa isang summer festival na dapat ay masaya.

Hindi raw niya mapapatawad ang ginawa, anuman ang motibo. Aniya, hindi na siya magtataka kung may katulad na krimen ang nangyari bukas. Taon-taon daw ay patuloy siyang maglalagay ng bulaklak sa site dahil ayaw niyang makalimutan ang insidente.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund