Pinay arestado sa posibleng kaso ng human trafficking

Noong ika-28 ng Hunyo, inaresto ng Aomori Prefectural Police ang isang 55-taong-gulang na Pilipina sa Izumiyamakute, Sannohe Town, sa hinalang paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act (pagbibigay ng ilegal na trabaho) para sa iligal na pagtatrabaho ng anim na babaeng Pilipino. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Noong ika-28 ng Hunyo, inaresto ng Aomori Prefectural Police ang isang 55-taong-gulang na Pilipina sa Izumiyamakute, Sannohe Town, sa hinalang paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act (pagbibigay ng ilegal na trabaho) para sa iligal na pagtatrabaho ng anim na babaeng Pilipino.

Inaresto at umamin ang suspect. Ayon sa prefectural police, ang anim na tao ay maaaring na-pressure at napilitang magtrabaho. Naniniwala ang pulisya ng prefectural na maaari itong mapailalim sa “human trafficking,” kasama na dito ang forced labor sa anim na babaeng Filipino nationality, na nasa Japan na may entertainer visa status

Sila ay pinag trabaho sa isang omise sa Muikamachi, Hachinohe City mula bandang Abril 1 hanggang Mayo 19. Hinala ng ilegal na pagtatrabaho ng hostess na hindi kabilang sa kategorya ng entertainment. Siya ang manager ng omise ito.  

Kabilang sa mga kwalipikasyon sa entertainment ang mga mang-aawit, mananayaw, atleta, atbp., ngunit hindi sila pinapayagang aliwin o umupo katabi ng mga customer sa mga omise.

Ayon sa prefectural police, ang bar ay isang show pub at lahat ng empleyado ay Filipino nationality. Noong huling bahagi ng Abril, nakatanggap ang istasyon ng pulisya ng Hachinohe ng impormasyon na “ may mga dayuhang Asian na napipilitang magtrabaho nang ilegal,” at naglunsad ng imbestigasyon.

Noong kalagitnaan ng Mayo, sinimulan ang silang manmanan, at humigit-kumulang 300 na bagay tulad ng mga account book at accounting slip ang nasamsam, at natukoy ang mga katotohanan ng krimen. Magpapatuloy sa imbestigasyon ang prefectural police, kasama na kung may mga kasabwat.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund