Isang kotse na minamaneho ng isang lalaking nag-eedad na nasa kanyang 80’s ang bumangga sa isang istasyon ng bumbero sa Machida City sa kanlurang Tokyo, at nag-iwan ng isang taong namatay.
Naganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon nuong Lunes.
Ang kotse ay pinaniniwalaang sumampa sa isang sidewalk mula sa kalsada, na siyang dahilan sa pag-bangga nito sa isang pedestrian. Pagkatapos ay tumama sa pader ng Machida fire station.
Ang pedestrian, na tila isang matandang lalaki, ay isinugod sa isang ospital ngunit nakumpirmang patay makalipas ang isang oras.
Nagtamo ng minor injuries sa kanyang mga kamay ang driver.
Sinabi ng Tokyo Fire Department na ang mga operasyon sa istasyon ay hindi naapektuhan ng aksidente. Patuloy ang pag iimbestiga ng mga pulisya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation