Ang unang kaso ng tick-borne Oz virus sa mundo ay nakumpirma sa Japan

Hinihimok ng ministeryo ang mga tao na magsuot ng mahabang manggas na pang-itaas at mahabang pantalon kapag pumunta sila sa mga lugar na may damo kung saan makikita ang mga garapata.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng unang kaso ng tick-borne Oz virus sa mundo ay nakumpirma sa Japan

Sinabi ng ministeryo sa kalusugan ng Japan na may isang ginang sa kanyang 70s na namatay noong nakaraang taon ay napag-alamang na unang kaso ng isang nakakahawang sakit na dulot ng Oz virus sa bansa, at una din sa mundo. Ang mga hard ticks ay pinaniniwalaan na mga carrier ng virus.

Sinabi ng ministeryo noong Biyernes na isang babae ang namatay sa myocarditis, o pamamaga ng mga kalamnan sa puso, sa Ibaraki Prefecture, hilaga ng Tokyo.

Bumisita siya sa isang ospital na nagrereklamo ng lagnat at pagkapagod. Noong panahong iyon, may nakitang garapata na kumagat sa kanyang itaas na hita. Napag-alaman sa autopsy na siya ay nahawaan ng Oz virus.

Sinabi ng ministeryo na ito ang kauna-unahang naiulat na kaso ng impeksyon sa Oz virus, nakamamatay man o hindi.

Sinabi ng mga opisyal ng Ministeryo na ang kapag ang isang tao ay nahawaan ng virus ay hindi nangangahulugang ito ay agad na nakamamatay dahil ang mga pagsusuri sa antibody ng mga sample ng dugo sa Japan ay nagpapahiwatig na ang ilang mga tao ay nahawahan nito.

Hindi alam kung paano eksaktong nakukuha ng mga tao ang virus, ngunit ang pag kakaroon ng kagat ng mga hard ticks na nagdadala ng virus ay isang malakas na dahilan.

Hinihimok ng ministeryo ang mga tao na magsuot ng mahabang manggas na pang-itaas at mahabang pantalon kapag pumunta sila sa mga lugar na may damo kung saan makikita ang mga garapata.

Ang virus ay unang nakita sa Japan noong 2018 mula sa isang partikular na uri ng hard tick. Ang hard tick ay matatagpuan sa rehiyon ng Kanto na kinabibilangan ng Tokyo, at sa gitna at kanlurang Japan.

Ang mga antibodies, na isang tanda ng impeksyon, ay nakita sa mga unggoy, baboy-ramo at usa na naninirahan sa ilang prefecture.

Wala pang mabisang lunas para sa sakit sa ngayon, at ang mga pasyente ay maaari lamang gamutin upang maibsan ang mga sintomas.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund