TOKYO — Nagiging sikat ang mga seminar ngayon sa Japan sa pagsasanay na ipakita ang kanilang mga ngiti habang unti-unting bumabalik ang mga tao sa pre-pandemic na buhay na hindi nakasuot ng mask kasunod ng pagbaba ng klasipikasyon ng COVID-19 sa kapareho ng seasonal influenza sa ilalim ng batas sa pagkontrol ng mga nakakahawang sakit ng Japan.
Noong Mayo 7, isang araw bago magkabisa ang bagong klasipikasyon ng coronavirus, nag-host ng smile seminar ang isang senior care center sa Kita Ward ng Tokyo. Humigit-kumulang 30 kalahok ang nagtanggal ng kanilang mga mask at nagsanay ng pag ngiti sa pamamagitan ng gabay mula sa Egaoiku, isang kumpanyang nakabase sa Zushi, Kanagawa Prefecture, na nagdaraos ng mga naturang seminar.
Nakita ni Egaoiku ang pagdami ng mga kalahok sa seminar matapos lumabas ang balita tungkol sa mga panuntunan sa pag-relax ng mask sa Japan noong Nobyembre 2022. Ang mga numero ng aplikante ay lalong lumaki pagkatapos na magkabisa ang mga pinaluwag na panuntunan noong Marso ngayong taon. Bagama’t kakaunti lamang ang nakilahok sa mga smile seminar na ginanap online dahil sa pandemya, ang bilang ng mga online na kalahok sa pagitan ng Pebrero at Abril ngayong taon ay lumago din ng 4.5 beses mula sa parehong panahon noong 2022.
Si Akiko Takizawa, 79, mula sa Kita Ward, na sumali sa seminar noong Mayo 7, ay nasasabik na bumalik sa isang buhay na walang maskara. Sinabi niya sa Mainichi Shimbun, “Wala akong mga pagkakataon na makita ang mga tao sa panahon ng krisis sa coronavirus at matagal din na hindi ko ipinakita ang aking ngiti sa iba.
Na realize ko ngayon kung gaano kahalaga ang mga ngiti.”
(Japanese original ni Yuki Miyatake, Photo Group)
Join the Conversation