Sanja Matsuri festival ipinagdiwang muli sa Asakusa Tokyo

Ang Sanja Matsuri ay isang siglong gulang na pagdiriwang na nagbabadya ng pagdating ng tag-araw. Ang tatlong araw na event ay umabot sa peak nito noong Linggo, na may prusisyon ng "mikoshi," o mga portable shrine. #PortalJapan see more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSanja Matsuri festival ipinagdiwang muli sa Asakusa Tokyo

Ang distrito ng Asakusa ng Tokyo ay siksikan sa mga tao upang masaksihan ang isang tradisyonal na pagdiriwang na itinatanghal malapit sa orihinal nitong anyo sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon.

Ang Sanja Matsuri ay isang siglong gulang na pagdiriwang na nagbabadya ng pagdating ng tag-araw. Ang tatlong araw na event ay umabot sa peak nito noong Linggo, na may prusisyon ng “mikoshi,” o mga portable shrine.

Tatlong float ang inilabas mula sa Asakusa Shrine kaninang madaling araw. Pagkatapos ay ipinarada sila ng mga parokyano sa mga lansangan ng Asakusa.

Ito ang unang pagkakataon na ang prusisyon ay itinanghal sa buong anyo nito mula nang magsimula ang pandemya ng coronavirus.
Sinabi ng isang lalaki na nanonood ng parada na natutuwa siya na bumalik ang excitement sa Asakusa.

Isang babae sa mga “mikoshi” bearers ang nagsabi na nasiyahan siya sa pagdala ng portable shrine sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund