Isang Pilipino ang inaresto sa Kariya City, Aichi Prefecture, dahil sa possession of illegal drugs at sa pagbebenta nito.
Arestado si Emba Herald King Andag (30), walang trabaho na naninirahan sa Kariya City.
Ayon sa pulisya, si Emba ay pinaghihinalaang lumabag sa Stimulants Control Law sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga stimulant drugs na ibinebenta na nkota sa kanyang kei na pampasaherong sasakyan na nakaparada sa isang parking lot sa Kariya City, Aichi Prefecture noong umaga ng ika-23.
Noong Abril, inaresto ng pulisya ang isa pang lalaki dahil sa pagkakaroon ng droga, at pagkatapos imbestigahan kung saan niya ito binili, lumabas sa imbestigasyon na nabili niya ito kay Emba.
Labinlimang bag na naglalaman ng mga puting kristal na pinaniniwalaang mga stimulant at ilang daang libong yen na cash ang natagpuan sa kanyang kei na sasakyan.
Inamin naman ng suspect ang paratang sakanya, ayon sa suspect, nawalan siya ng trabaho dahil sa Covid at wala siyang pang tustos sa kanyang anak kung kaya’t nagawa niyang magbenta ng droga.
Join the Conversation