Matapos tumama ang malakas na lindol malapit sa Tokyo noong Huwebes ng umaga, hinihimok ng Meteorological Agency ang mga tao sa mga lugar na tinamaan ng lindol na bigyang pansin ang mga aktibidad ng lindol.
Ang magnitude 5.2 na lindol ay tumama sa katimugang bahagi ng Chiba Prefecture bandang 4:16 a.m. oras ng Japan. Ang pagyanig ay nagrehistro ng upper 5 sa Japanese seismic scale mula zero hanggang 7 sa Kisarazu City sa prefecture.
Sinabi ng opisyal ng ahensya na si Kamaya Noriko na tumataas ang panganib ng pagbagsak ng mga bato at pagguho ng lupa sa mga lugar na tinamaan ng malakas na pagyanig.
Nagbabala siya ng isang lindol na kasing lakas ng upper 5 na maaaring tumama sa susunod na linggo sa mga lugar kung saan naitala ang mga malalaking pagyanig.
Sinabi niya na ang mga katulad na malakas na lindol ay maaaring mangyari, lalo na sa mga darating na araw.
Join the Conversation