Sinabi ng pulisya sa pinakahilagang prefecture ng Hokkaido sa Japan na ang isang nawawalang mangingisda ay maaaring inatake ng isang oso.
Nawala ang sport fisherman noong Linggo sa Lake Shumarinai sa bayan ng Horokanai.
Kalaunan, isang oso ang nakita na may mga wader sa bibig nito. Ang mahabang rubber boots ay kadalasang isinusuot ng mga mangingisda.
Natagpuan ng search team ng mga hunters at fire service officer ang mga bahagi ng katawan ng tao noong Lunes malapit sa lugar kung saan bumaba ang lalaki sa isang ferry boat.
Sinabi ng pulisya ng Hokkaido na dumarami ang mga nakakita ng oso ngayong taon, at nakatanggap sila ng 339 na ulat hanggang noong nakaraang Huwebes.
Iyan ay 40 higit pa kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon, nang ang mga oso ay nakitaan ng isang record na 2,240 beses.
Dalawang tao ang nasugatan sa mga pag-atake ng oso sa prefecture nitong taong ito.
Sinabi ng pulisya na ang mga taong pumupunta sa mga bundok upang mamitas ng nakakain na mga ligaw na halaman ay madalas na nakakaharap ng mga oso sa pagitan ng Abril at Hunyo.
Hinihimok sila ng pulisya na pumunta by groups at magdala ng mga bells o iba pang mga gumagawa ng ingay upang ilayo ang mga oso.
Nagbabala rin sila na kung makakita ng mga oso ang mga tao, hindi sila dapat lumapit sa mababangis na hayop at dapat tumawag ng pulis.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation