Posibleng pulbura ang nasamsam mula sa bahay ng pinaghihinalaang bomber sa Kishida speech site

Si Kimura ay nagbigay sa mga imbestigador ng walang partikular na pahayag sa insidente. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPosibleng pulbura ang nasamsam mula sa bahay ng pinaghihinalaang bomber sa Kishida speech site

Nalaman ng NHK na kinumpiska ng mga pulis ang tila pulbura mula sa bahay nang lalaking pinag-hihinalaang nag-hagis ng bomba kay Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

Ginawa umano ng 24-anyos na suspek na si Kimura Ryuji ang akto noong Sabado nang mag-talumpati sana ang Punong Ministro sa isang fishing port sa kanlurang lungsod ng Wakayama.

An Punong Ministro ay agad na inilikas at hindi nasaktan. Isang pulis ang bahagyang nasugatan. Naroon si Kishida upang magbigay ng suporta sa isang kandidato sa halalan sa Mababang Kapulungan.

Naaresto si Kimura sa lugar ng pinangyarihan.

Sinimulan ng mga imbestigador na halughugin ang kanyang tahanan sa lungsod ng Kawanishi, Hyogo Prefecture, noong Linggo ng umaga at natapos ang operasyon pagkalipas ng 9 a.m.

Inalis ng mga imbestigador ang mahigit 10 karton na pinaniniwalaang naglalaman ng mga kaugnay na materyales sa bahay ng suspek.

Sa ngayon ay nakuha na nila ang kanyang personal computer, ang kanyang mobile phone at kung isang tila pulbura.

Isang miyembro ng pamilya na nakatira sa suspek ang nagsabi sa pulisya na nasa bahay siya noong gabi bago ang insidente ngunit wala na siya kinaumagahan.

Si Kimura ay nagbigay sa mga imbestigador ng walang partikular na pahayag sa insidente.  Pinaplano ng pulisya na pag-aralan ang data sa kanyang mga electronic device at kausapin ang mga tao upang matukoy kung bakit at paano niya ipinlano at isina-gawa ang insidente.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund