Nag-house search ang mga pulis sa Japan sa tahanan ng isang lalaki na naghagis ng tila pipe-bomb bago ang talumpati ni Punong Ministro Kishida Fumio.
Hinihimok ng pulisya ang mga kapitbahay na lumayo, dahil gumamit ng mga pampasabog sa insidente noong Sabado.
Inaresto agad ng pulisya ang 24-taong-gulang na si Kimura Ryuji ng Hyogo Prefecture dahil salang forcible obstruction of business.
Sinabi umano ng suspek na sasailalim lamang siya sa pagtatanong kapag naroroon ang mga abogado.
Ang punong ministro ay bumibisita sa isang daungan ng pangingisda sa Wakayama Prefecture upang magbigay ng suporta sa isang kandidatong nag-aagawan para sa isang puwesto sa darating na halalan sa Mababang Kapulungan. Nang magsisimula na siyang magsalita, isang cylindrical na bagay ang itinapon sa mga nagkukumpulang tao.
Mabilis na inalis si Kishida palayo sa site at nakumpirmang hindi nasaktan. Sinabi ng mga awtoridad na isang pulis ang nagtamo ng minor injuries.
Samantala, isang investigative source ang nagsabi sa NHK na ang isang cylindrical object ay konektado sa pinaniniwalaang wire.
Sinabi ng mga imbestigador na dalawang ganoong bagay ang natagpuan sa pinangyarihan. Sumabog na ang isa sa kanila, habang hawak ng suspek ang isa nang masupil.
Pinag-aaralan ng mga imbestigador ang istruktura ng mga pampasabog, pinaghihinalaan na maaaring ito ay iron pipe bomb.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation