Mga bagong sistemang pangkaligtasan sa bus, tinitiyak na walang maiiwan na bata sa loob ng bus

Kapag huminto na ang makina ng bus, tutunog ang alarm hanggang sa may magpindot ng button sa likod ng sasakyan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga bagong sistemang pangkaligtasan sa bus, tinitiyak na walang maiiwan na bata sa loob ng bus

Ang Auto-electronics maker na Pioneer ay kabilang sa mga Japanese companies na gumagawa ng mga sistemang pangkaligtasan para sa mga nursery-school bus upang matiyak na walang maiiwan na bata sa loob.

Humigit-kumulang 44,000 bus na pinatatakbo ng mga nursery school at kindergarten sa buong bansa ay dapat sumunod sa patakaran na kinakailangan ng gobyerno na malagyan ng mga naturang sistema bago ang sumapit ang Abril 2024.

Ang hakbang ay naudyukan ng pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na batang babae sa Shizuoka Prefecture, central Japan, noong Setyembre. Nakalimutan siya sa loob ng school bus nang maraming oras at namatay sa heatstroke.

Nakatakdang ilunsad ng Pioneer ang system nito sa huling bahagi ng buwang ito.

Kapag huminto na ang makina ng bus, tutunog ang alarm hanggang sa may magpindot ng button sa likod ng sasakyan. Pinipilit nito ang driver o isang attendant na maglakad papunta sa likod at tingnan kung may natitirang mga bata.

Magpapadala rin ang system ng text message sa mga telepono ng staff ng child-care facility kung may nakitang mga bata sa loob ng camera o mikropono nito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund