Share
CHIBA
Inaresto ng mga pulis sa Kimitsu, Chiba Prefecture, ang isang 67-anyos na lalaki dahil sa tinangkang magnakaw sa isang convenience store noong Linggo.
Ayon sa pulisya, si Sakae Ejiri, na nagsabing nagtatrabaho siya bilang isang security guard, ay pumasok sa tindahan bandang alas-6 ng umaga at pinagbantaan ang 34-anyos na empleyado sa cash register gamit ang isang pares ng gunting, iniulat ng Kyodo News. Humingi ng pera si Ejiri ngunit tumanggi ang empleyado at pinindot ang silent alarm na nag-alerto sa pulisya.
Sumugod ang mga pulis sa pinangyarihan at hinuli si Ejiri sa labas ng tindahan. Ayon sakanya nagawa nya ang krimen dahil lubog siya sa utang at nagugutom daw siya ngunit walang perang pangbili ng pagkain.
© Japan Today
Join the Conversation