Anak ng pinaslang na mag-asawa ay sumuko sa pulisya ng Wakayama

Sinabi ng pulisya na ang dalawang biktima ay pinagsasaksak hanggang sa mamatay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

WAKAYAMA- Inaresto ng pulisya sa Shingu, Wakayama Prefecture, ang isang 46-anyos na lalaking walang trabaho dahil sa hinalang pagpatay sa kanyang mga magulang sa kanilang tahanan sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, noong nakaraang buwan.

Ayon sa pulisya, ang suspek na si Koji Onoboshi, ay sumuko sa istasyon ng pulisya noong Linggo at sinabing pinatay niya ang kanyang ama, si Mitsuo Onoboshi, 75, at ang kanyang ina na si Yasuko, 72, noong huling bahagi ng Marso, iniulat ng Kyodo New. Ang suspek ay panganay na anak ng napatay na mag-asawang kanyang tinitirhan.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya noong gabi ng Abril 6 mula sa isang kamag-anak ng mga Onoboshi na nagsasabing hindi sila makontak. Bumisita ang mga opisyal sa tirahan kinaumagahan at natagpuan ang magkabilang bangkay na natatakpan ng futon sa unang palapag. Sinabi ng pulisya na ang dalawang biktima ay pinagsasaksak hanggang sa mamatay. Bukod dito, hindi pa batid ang kinaroroonan ng suspek.

Sinabi ng pulisya na si Onoboshi ay inilipat mula sa Wakayama Prefecture patungong Kanagawa noong Lunes at siya ay pormal na kakasuhan ng pagpatay sa mga magulang. Sinabi ng pulisya na sa ngayon ay wala siyang ibinigay na motibo.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund