Inaresto ng pulisya sa Japan ang tatlong Indonesian national dahil sa hinalang pag-abandona ng bangkay ng isang lalaki sa Fukushima Prefecture, hilagang Japan, noong nakaraang buwan.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang pulisya ng mga ulat na ang isang lalaking Indonesian na nasa edad 20, residente ng Konosu City sa Saitama Prefecture, hilaga ng Tokyo, ay dalawang taon nang nawawala.
Pagkatapos mag-imbestiga, hinanap ng mga pulis ang isang bulubunduking lugar sa Ono Town, Fukushima, at sa isang field ay natagpuan ang isang bangkay sa isang maleta. Hinala nila ang bangkay ng nawawalang lalaki.
Inaresto ng pulisya noong Martes ang tatlong suspek, na nakatira sa parehong lungsod ng nawawalang lalaki.
Sa ngayon ay napag-alaman nilang nawawala ang lalaki noong Disyembre 2021, matapos kumain kasama ang tatlong suspek.
Sinabi rin ng pulisya na may sugat sa ulo ang bangkay. Hindi pa nila ibinunyag kung umaamin o itinatanggi kung may kinalaman sa pagkamatay ang tatlong suspek
Join the Conversation