Pinagaan ng gobyerno ng Japan ang mga alituntunin sa pagsusuot ng mask ngayong Lunes, na pinababayaan ang mga indibidwal na magpasya kung masusuot ng mask o hindi.
Ngunit pinananatili ng gobyerno ang rekomendasyon nito na ang mga tao ay magsuot ng mask sa mga okasyon, tulad ng pagbisita sa mga institusyong medikal at tuwing magco-commute sa mga bus o train.
Sinabi ng gobyerno na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa mga senior citizen at iba pang may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang sintomas.
Plano ng gobyerno na gamitin ang social media, mga patalastas sa TV at iba pang mga pamamaraan upang ipaliwanag kung kailan at saan dapat isaalang-alang ng mga tao ang pagsusuot ng maskara.
Sinuri ng mga organisasyon ng industriya ang kanilang mga alituntunin laban sa impeksyon dahil sa pagbabago. Humigit-kumulang 80 porsiyento sa kanila ang nagsabing nagpasya silang payagan ang bawat negosyo na magtakda ng kanilang sariling mga panuntunan sa maskara.
Sa ilalim ng five-tier scale ng Japan para sa mga nakakahawang sakit, ang COVID-19 ay kasalukuyang inuri bilang katumbas ng kategoryang dalawa — ang pangalawang pinakamalubhang antas.
Ida-downgrade ito ng gobyerno sa kategoryang limang, ang pinakamababa at kapareho ng seasonal influenza, sa Mayo 8.
Join the Conversation