Dalawang tnt na Pinay nahuli sa Tomakomai, Hokkaido

Dalawang babaeng Pilipino ang inaresto dahil sa paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act para sa mga ilegal na pananatili sa Japan. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDalawang tnt na Pinay nahuli sa Tomakomai, Hokkaido

Dalawang babaeng Pilipino ang inaresto dahil sa paglabag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act para sa mga ilegal na pananatili sa Japan.

Dalawang babaeng Pilipino na nasa edad 30, di alam ang trabaho at address, ay inaresto sa Tomakomai City, Hokkaido. Noong Marso 21, isang 39-anyos na babae ang ni-raid sa isang silid sa isang apartment sa Kashiwagi-cho, Tomakomai City nang may tumawag na isang tao sa 110, at nagsasabing, “Nais kong kumpirmahin ninyo na mayroong isang babae at mukhang siya ay illegal immigrant.”.

Ang babae ay pumasok sa Japan mula sa Haneda Airport noong Nobyembre 24, 2022, at ang kanyang panahon ng pananatili ay hanggang Pebrero 7, 2023. Ang pahayag ng babae ay nagsiwalat ng pagkakaroon ng isa pang babae, at noong Marso 25, inaresto ng pulisya ang isang 30-taong-gulang na babae na nakatago sa isang tirahan sa Takaoka, Tomakomai City. Ang babae ay pumasok sa Japan mula sa Narita Airport noong Enero 17, 2023, at ang kanyang panahon ng pananatili ay hanggang Pebrero 16. Detalyadong iniimbestigahan ng pulisya ang background ng kanilang ilegal na pananatili.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund